Saturday, July 31

chronicles of lintek..

lintek.. alas kwatro na ko nakauwi kanina.. galing kasi kami sa belated 'cocktail' birthday tipar ni t'yo bobet sa rojonet branch nila sa highway.. e lintek, ang plano dapat e mga bandang alas dose e sumibat na kami and go somewhere else to bitin-palabas (hang out ba).. nga pala, ang kasama ko ay si dok theyie, setay, rene..er, johnmel pala.. at si melito.. di kami nagsasawa sa isa't isa ano..?! hehe.. eniweys.. e balak na namin talagang lumarga.. e lintek, nag-inarte si ico.. siya ay hayskul tropa rin namin, nandun sya kasama wife nyang si jenny, isa ding common friend (more like kakilala)..nung paalis na yata kami e biglang bumanat ng 'di ako pumasok, tas aalis kayo..' or something like that.. basta.. mejo hilo na rin ako nung mga oras na yun.. e lintek, itong si dok e 'na-tipsy' na naman.. lintek, lumalakas na naman ang volume nya, so yayo na naman ako.. lintek, dapat sumingil na ko ng professional fee, wehehe.. tapos lintek, nawala pa yung bracelet ko..napigtal yata habang nisasayawan ako ng mga babae dun (o, pagbigyan nyo na ko, kunyari lasing pa ko hanggang ngaun).. gustong-gusto ko pa naman yung gold bracelet na bigay ni ex na yun kasi simple lang sya tsaka magaan suutin.. lintek, kailangan ko ng me magreregalo ulit sa kin nun, aaargh!!kaya ayun.. ang planong Libis o rakweL ay nauwi sa starmart sa kanto namin..lintek.. nagpahinga lang kami nang konti at nag-usap tungkol.. basta nag-usap-usap kami.. tas nun, nagpaalaman na kami, at naglakad na ko pauwi sa min.. lintek, me habol pang 'inartext' si dok.. reply naman ako ever..tas kani-kanina lang nagising ako kasi mainit, hangos ako sa pagtimpla ng milo kasi nalalasahan ko pa yung iba't-ibang uri ng alkohol na nasa dila ko.. tas lintek, hiningan pala ako ng nanay ko ng pera mga bandang alas-ewan.. binigyan ko sya ng 500.. tas tingin ako sa wallet ko kanina bago kumain.. kala ko napasobra bigay ko.. pagkakain ko lang naalala na naglabas pala ako ng pera kahapon, tas di pa pala ako nagwi-withdraw kaya kala ko nawalan ako ng pera..napaghahalatang bangag, lintek..

haba na pala ng ni-type ko.. lintek, makapagbasa ng diyaryo.. nauuhaw pa ko,tsk.. tas lintek, papasok pala ako bukas, aaaargh!!

No comments: