bagong taon na naman.. wika nga nila, "bagong taon, bagong kalendaryo.." oo nga naman.. at ke-aga-aga ng taon e late ako sa pag-a-update netung hinayupak na blag ko.. anung petsa na? january 10 na a.. wika nga ni memeletu "o my gad!.." di kaya buong taon na kong late nito.. so what else is new.. wehehe..
at tulad ng mga nakaraang taon, dapat daw ay everything is a fresh start kapag new year.. so meaning dapat sariwa lahat ang binibili niyo sa palengke.. sariwang gulay, sariwang karne, sariwang prutas, sariwang isda, and so on and so forth.. tsk tsk.. kawawa naman ang nagbebenta ng mga preserved at processed na pagkain tulad ng daing, tinapa, burong talangka, burong mangga, burong itlog (itlog?), bagoong, and so on and so fifth. pero bakit mabenta ang ham kapag pasko at bagong taon, e preserved un? simple lang.. e di ba inihahanda ang ham kapag pasko, at kapag bisperas ng bagong taon? so technically, nde pa lumilipas ang taon nun.. at kung abutin man itong dalawang linggo na ginagawa nyong almusal, e okay lang kasi carried na ito from last year (nde na counted as purchase sa new year).. para mas maliwanag, kung baga sa basketball, maski tumunog na ang final buzzer o shotclock buzzer bago shumoot ang bola, okay lang ito as long as nai-release mo na ang bola bago tumunog ang buzzer.. o mas lalong lumabo?
kung itatanong nyo naman kung ano ang fresh sa aken.. hmm.. uh.. hmm.. wala e, carried over din.. ahihihi.. bagong trabaho sana.. hehe.. kagagaling ko lang mag-apply kanina sa me bandang paseo de.. uh.. basta sa me kanto ng makati avenue.. (quiet please, this is an octopus trap).
mabalik tayo sa topic.. so kapag fresh start, ibig sabihin yung mga nde magagandang bagay na nangyari nung nakaraang taon e dapat nang iwan at ibaon (ibaon?) sa limot.. halimbawa, kung me kagalit o kasamaan ng loob kayo, e patawarin nyo na at kalimutan ang nangyari.. BUT.. forget na nagkamali siya sa iyo, ngunit wag kalimutan ang inyong natutunan sa pangyayari.. kase, magagamit nyo ito upang maiwasan ang kahalintulad na sitwasyon at nde na sumama ang loob.. masama kasi kapag me kinikimkim na sama ng loob.. kapag lumabas, mabaho.. wahehe.. ako may mga sama ng loob din ako sa ilang taong malapit sa aken, pero wala na lahat sa akin yun.. alam ko namang nde nila sinasadya yun, at alam ko namang mebebeet silang tao.. (pero hayf ka roni, kapagtampo ka pa rin..betch!)
so there.. nawa'y nabigyan ko ng makabuluhang insight ang inyong bagong taon. ito'y hinde lamang about the bonus and 13th (at 14th or 15th) month pay.. kase ubos na.. kundi about having a fresh outlook in life. olrayt! astig!
shoutouts! hapi new year sa mga prends ko, sa tropang akoaycaviteno, kina yami at yayis na recent visitors namen (kelan balik? hehe..), sa tropang NTT na nameet namen ni mawmaw noong 23rd, ke mawmaw (pots, akinang bagong URL mo! :-L), sa tropang alimango, ke roni curtis, ke nanay at utol, at siempre, ke cinderella.. hehe.. at hello po sa mga taga-Global Sources na maliligaw dito.. i-hire nyo na po ako, sige na.. negotiable pa po ang expected salary ko, wehehe.. ayus.
Monday, January 10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment