Amfness. Mukang sunod-sunod ang magiging gastos ko next week a.. una mag-aanak ako sa binyag ng nth child ni Jerico sa Oct 12. Tragis e wala naman sya sa dito sa pinas.. then kasal sa Oct. 15 naman ng tropa naming si Curlytops (Johnmel ang pangalan nya talaga; kulot kasi sya). Siyempre ambag-ambag ang tropa pambili ng kahit na anong appliance na made in Kuriya .. at ang pandiin ay natuklasan ko ngayun-ngayun lang (flash report!!) sa drawer ko dito sa office table.. 1st birthday ng anak ni pareng Kiko (colleague dito sa office) sa Oct. 15 din. Hectic di ba?
So kung susumahin, humigit-kumulang (calculating... ... 1011010110101111011010011010..) Php1600 ang kailangang ipagluwa ng gasgas na gasgas na atm card ko. Based yan sa Php55.770 = $1 (Disclaimer: These are based on Philippine Dealing System rates.Actual bank rates may vary.) Hay. Akala ko pa naman may budget surplus ako from last payday.. pero meron pa rin pala, mababawasan lang.. sana wag ako holdapin ng nanay ko until next week. hekhek.
eto pala yung picture ng message of doom. wokokokok.
No comments:
Post a Comment